Kamara, halos tapos na sa pagpasa ng priority bills ng Marcos administration

Kasabay ng muling pagbubukas ng session ngayong araw ay inihayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na halos tapos na ng House of Representatives ang lahat ng priority bills na kailangan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at napagkasunduan na isabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sabi ni Romualdez, sa 57 panukalang batas na nasa listahang ng LEDAC ay apat na lang lamang ang nalalabi at kailangang aprubahan ng Kamara.

Binanggit ni Romualdez na kabilang dito ang panukalang nagsusulong ng isang matatag na programa at industriya para mapalakas ang depensa ng ating bansa kung saan nakapaloob ang pagkakaroon natin ng sariling pagawaan ng mga armas.


Kasama ding tinukoy ni Romualdez ang panukalang amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill, at ang National Defense Act.

Ayon kay Speaker Romualdez na nararamdaman na ngayon ng taumbayan ang benepisyo ng mga LEDAC bills na inaprubahan ng Kongreso at nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Pangunahin aniya dito ang ₱5.768 trilyon na pambansang pondo ngayong 2024.

Dagdag pa ni Romualdez, bukod dito ay mayroon pang 11 panukala na kabilang sa prayoridad ng Kamara ang nakasalang sa deliberasyon sa plenaryo at komite.

Facebook Comments