Kamara, hindi apektado ng banta ng NPA sa SONA

40

Manila, Philippines – Tiniyak ni House *Sergeant* at Arms Gen. Roland Detabali na hindi maaapektuhan ang seguridad sa loob ng Batasan Complex sa darating na State of the Nation Address ng Pangulong Duterte sa Hulyo 24.

Ito ay sa kabila ng namonitor na banta ni PNp Chief Bato Dela Rosa na manggugulo ang New People’s Army sa Davao sa araw ng SONA ng presidente.

Ayon kay Detabali, pangunahin nilang gagawin ay ang doblehin ang seguridad ang pangulo at ang mga dadalo sa SONA.

Kung may makalusot na gulo sa loob ng gusali ng kamara ay may sapat na contingencies ang mababang kapulungan mula sa PSG, AFP, PNP at iba pang kinauukulang ahensya.

Kampante aniya sila na makakayang i-handle ng QCPD ang pagbabantay sa labas ng Batasan at kung sakali namang kailanganin ang tulong ng contingencies ay handa naman ang kamara na i-assists ang security sa labas.

Facebook Comments