Kamara, hindi dapat hayaang maisulong ang diborsyo sa bansa

222

Mariing tinututulan ni CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang panukala na nagsusulong ng diborsyo sa bansa.

 

Ayon kay Villanueva, bukod sa Vatican kung nasaan ang Santo Papa ay tanging Pilipinas na lamang ang bansa sa buong mundo na walang diborsyo.

 

Giit ni Villanueva, tayo na lamang ang bansa na rumerespeto sa batas ng Diyos kaya bakit hahayaan na maimpluwensyahan at pasukan tayo ng mga demonyo.


 

Bilang isang Kristiyanong bansa, naniniwala ang kongresista na dapat pangalagaan ang kasagraduhan ng pagaasawa at pagpapakasal.

 

Samantala, ilang kongresista na ang naghain ng divorce bill ngayong 18th Congress kabilang sina Albay Rep. Edcel Lagman, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Gabriela Partylist.

Facebook Comments