Manila, Philippines – Tuloy ang mga nakalinyang aktibidad sa Kamara sa kabila ng masamang panahon dulot ng bagyong Maring at Lannie.
Hindi nagsuspindi ng pasok sa trabaho ng mga empleyado ang Kamara ngayong araw.
Nauna nang sa nag-anunsyo ang Malakanyang na suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, region 3 at CALABARZON.
Maging ang senado ay nagkansela narin ng pasok at maging lahat ng mga hearing ay kinansela narin.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas na tuloy rin ang pagpapatuloy ng ginagawang plenary budegt deliberation ng Kamara kaugnay ng 2018 proposed national budget.
Idinagdag ni Fariñas ang Kamara ay hiwalay na sangay mula sa ehekutibo.
Ilan sa mga ahensyang sasalang sa budget deliberation ngayong araw ay ang CHR, DBM, DTI, State Colleges and Universities, ARMM at iba pa.
Tatangkain ng Kamara na maisalang narin sa botohan para sa second reading ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon kung matatapos ang deliberasyon ngayong araw.