Manila, Philippines – Handang-handa na ang Department of Justice para sa paglilipat sa mga naarestong miyembro ng Maute Terror Group mula Cagayan de Oro patungong Taguig City.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nakikipagtulungan na sila kay DILG officer-in-charge Catalino Cuy para sa nakatakdang paglilipat ng trial venue at pagpipiitan sa mga miyembro ng Maute sa Special Intensive Care Area sa Camp Bagong Diwa sa Taguig mula Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.
Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng Korte Suprema.
Sinabi ni Aguirre na mayroon nang 2 courtrooms ang nakahanda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Kasunod nito, bubuo ang DOJ ng bagong set ng panel of prosecutors na hahawak sa kaso at ang mga ito ay sasailalim sa continuous trial system.
Sa ilalim ng continuous trial system, pinagbabawal ang pagpapaliban sa mga pagdinig maliban na lamang sa makatwirang dahilan at kung talagang kinakailangan.