Thursday, March 19, 2026

Kamara, hinikayat ang mga bangko at remittance centers na bawasan o alisin ang transaction fees

Pinagtibay ng House of Representatives ang House Resolution No. 905 na humihikayat sa mga bangko, remittance centers, at iba pang financial service providers na magpatupad ng pansamantalang hakbang, tulad ng pagtanggal o pagbabawas sa kanilang remittance at transaction fees.

Inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang resolusyon upang mabawasan ang pasanin ng mamamayan sa harap ng krisis na dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Binigyang-diin ni Marcos na ang pansamantalang paghinto o pagbibigay-diskwento sa kinokolektang transaction at remittance fees ng mga financial institutions ay malaking tulong sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa gitna ng tumataas na presyo ng langis, mga bilihin, kuryente, at transportasyon.

Binanggit din sa resolusyon na maaaring maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng policy directions sa aspeto ng pananalapi, banking, at credit upang mapagaan ang bayarin ng publiko sa kanilang mga pinansyal na transaksyon.

Facebook Comments