Kamara, hiniling na dagdagan ang mga trial courts

Manila, Philippines – Isinusulong sa Mababang Kapulunganna mabilis na dinggin ang mga nakabinbing kaso sa pamamagitan ng pagdadagdag ngmga trial courts sa bansa.
  Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso na dati ring Court ofAppeals Justice, isa sa pangunahing problema ng justice system ng bansa ay angkakulangan sa trial courts.
  Ito aniya ang rason kung bakit hindi agad nadidinig angmga kaso at nadedelay ang proseso dahil sa kakulangan ng “courtsalas” na pagdarausan ng hearing.
  Sa deliberasyon na isinagawa ng House sub-committee onjudicial reforms, 32 panukalang batas ang inihain para sa dagdag na RegionalTrial Court (RTC), Municipal Trial Court (MTC), at Municipal Circuit TrialCourt (MCTC) na ilalagay sa iba’t ibang lugar sa bansa.
  Naniniwala ang mga may-akda ng 32 house bills namapapabilis ang pagdinig, mapapadali ang proseso at hindi mapapamahal sa gastosang mga nahaharap sa trial.
  Ang dagdag na trial courts ay salig din sa polisiya ngestado na nagtitiyak para sa speedy trial sa akusado, epektibong public serviceat agad na pagbibigay hustisya sa mga naaapi.
  Ayon kay Deputy Speaker Juan Pablo Bondoc, panahon napara dagdagan ang mga trial courts dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mgakasong inihahain araw-araw.

Facebook Comments