Nananawagan ngayon si Bataan Rep. Geraldine Roman, sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na regular na maglabas ng seismic assesments upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.
Batid ni Roman, na siya ring Chairperson ng House Committee on Disaster Management na nagdudulot ng panic sa mga Pilipino ang pagkalat ng fake news hinggil sa pagtama ng malakas na lindol sa bansa.
Ayon sa mambabatas, maiiwasan ang pagkalat ng “fake news” kung maglalabas ng updated bulletin ang PHIVOLCS pati narin ang NDRRMC.
Aniya, mainam na may alam ang mga Pilipino sa panahon na may ganitong sakuna sa bansa.
Kasunod nito, mungkahi ng mambabatas na magkaroon ng earthquake drills at disaster preparedness seminars sa lalong madaling panahon ang lahat ng tanggapan ng gobyerno.