Limang  malalaking dam sa Central Luzon na sinira ng malalakas na lindol, nangangailangan ng agarang repair ayon sa NIA

Abot sa P50 Million ang pinsala ng malakas na lindol sa mga pangunahing dam sa Central Luzon o Region 3.

Ito ay batay sa ipinarating na ulat sa damages sa  National Irrigation Administration.

Ayon kay NIA Public Affairs Information Service Chief Filipina Bermudez, ang Cong Dadong Dam na nasa Arayat Pampanga ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala na umaabot sa 20-Milyong piso.


Sinabi pa ni Bermudez,  malalaking bitak sa retaining wall ng Cong Dadong Dam ang naitalang pinsala kasunod ng 6.1 Magnitude na lindol noong Lunes

Ang nabanggit na dam ang isa sa pangunahing source ng patubig mula sa libong bilang ng mga magsasaka sa probinsya ng Pampanga.

Kabilang din sa napinsala na aabot sa 30 Milyong piso ay ang Mangindong Dam at Balsic Dam sa mga bayan ng Dinalupihan at Hermosa sa lalawigan ng Bataan at Bucao dam sa Zambales.

Ani Bernudez, mangangailan ng immediate repair ang nabanggit na nasirang mga dam para sa nakatakdang planting season sa darating na Hunyo.

Paliwanag ni Bermudez, nasa Malakanyang na ang desisyon kung maglalabas ito ng budget para sa pagpapagawa ng nasirang dam dahil walang nakalaan dito mula sa hininging budget para sa taong 2019.

Facebook Comments