Kamara, huhugutin ang pondo para sa Free College Education sa mga underperforming at underspending government agencies

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles na mabibigyan ng pondo ang Free Tertiary Education Act na nilagdaan ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Nograles, maaari naman silang gumawa ng adjustment sa 3.7 Trillion proposed 2018 national budget para sa implementasyon ng libreng college education program ng pamahalaan.

Maaaring kunin ang pondo sa mga government agencies na hindi nagpe-perform at may malaking natitipid na pondo.


Nasa walo hanggang labing anim na bilyong piso ang target na malikom na pondo ni Nograles para sa free college education sa 2018 budget.

Dagdag ni Nograles, nareview na nila ang mga posibleng financial implications at mga kumplikasyong maaaring idulot nito.

Tiniyak pa ng mambabatas na may sapat na pondo para masimulan ang programa at kakayanin itong i-sustain kahit na pang matagalan pa.

Facebook Comments