Kamara, ibinida ang trabaho sa pagtatapos ng 2nd regular session ng 18th Congress

Ipinagmalaki ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga accomplishment o natapos na trabaho ng Kamara bago ang pagsasara ng 2nd regular session ng 18th Congress.

Sa talumpati ni Velasco, bago ang recess sa Kamara ay ibinida nito ang mga naipasang mahahalagang panukala na aniya’y makatutulong sa pagbangon ng mga Pilipino at ng ekonomiya mula sa epekto ng
COVID-19 pandemic.

Hanggang nitong June 1, nasa 91 batas ang napagtibay ng Kamara kung saan 56 ang napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Umabot din sa 665 bills o panukalang batas ang naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa habang 192 na mga resolusyon ang ini-adopt ng Kapulungan.

Kasama rin sa mga naihabol na maaprubahan ng Kamara ang panukalang Bayanihan 3 at ang Economic Charter change na pinaniniwalaan ng mga kongresista na makatutulong para makabawi ang bansa mula sa pandemya.

Sa July 26 magbabalik ang mga mambabatas para sa pagbubukas ng third regular session at ito na rin ang huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments