MANILA – Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Kamara kaugnay sa diumano’y katiwalian sa Energy Regulatory Commission (ERC).Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinagbibitiw niya ang lahat ng opisyal ng ERC na sangkot sa katiwalian.Ayon kay Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco – iimbestigahan ng Kamara ang nasabing alegasyon in aid of legislation para pag-aralan ang sistema at procedures sa loob ng komisyon.Pag-aaralan din ng mga mambabatas ang rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang ERC at magtayo ng panibagong ahensya na sasalo sa mga tungkulin ng komisyon.Kaugnay pa rin nito, iginiit ni Bayan Muna Representative Isagani Zarate na dapat nang ibalik sa gobyerno ang kontrol sa kuryente sa bansa.Ayon kay Zarate, dapat nang lusawin ang ERC sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law na naging daan sa pagsasapribado ng sektor ng enerhiya at bumalangkas sa kapangyarihan nito.Una nang nagpahayag ng kahandaan ang Senado na imbestigahan ang umano’y korupsyon sa ERC kasunod na rin ng pagpapakamatay ni ERC Director Francisco Villa Jr..
Kamara, Iimbestigahan Na Rin Ang Umano’Y Katiwalian Sa Energy Regulatory Commission – Pagbuwag Sa Komisyon, Pag-Aaralan
Facebook Comments