Kamara, inaasahang tatalakayin ang isinumiteng prokalamasyon ngayong araw o bukas

Manila, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng sesyon ang kamara ngayong araw o bukas kaugnay sa deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez – tatalakayin nila ang isinumiteng proklamasyon ng pangulo na natanggap nila kagabi.
Suportado rin ni Alvarez ang nahing hakbang ng pangulo.
Sinabi rin ni Alvarez na hindi na kakailanganin ang joint session ng Kamara at Senado para magkaroon ng joint voting na siyang itinakda ng saligang batas.

Pagsasamahin na lamang anya ang boto ng dalawang kapulungan para makakuha ng boto ng mayorya na nakasaad sa konstitusyon.

Nilinaw din ni Alvarez – pwedeng ipawalang-bisa ng kongreso ang deklarasyon sa pamamagitan ng magkasamang majority votes sa isang regular o special session na hindi maaring balewalain ng pangulo.
Bukod dito, maari ring palawigin ng kongreso ang bisa ng batas militar sa pamamatigan ng inisyatibo ng pangulo.
DZXL558


Facebook Comments