Kamara, inatasan na ang NTC para bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN

242

Sumulat na ang Kamara sa National Telecommunications Commission (NTC) para bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN upang magtuluy-tuloy ang operasyon kahit mapaso ang prangkisa sa March 30.

Sa dalawang pahinang liham ng House Committee on Legislative Franchises, ipinag-utos nito na pagkalooban ng provisional franchise ang Lopez-led broadcast corporation epektibo sa Mayo 4, 2020.


Nakasaad sa liham nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Representative Franz Alvarez na inatasan na ng komite ang lahat ng mga partido na magsumite ng position paper maging sila man ay pabor o hindi para ma-renew ang prangkisa ng network.

Binibigyan naman ng 60 araw ang lahat ng partido para makapagsumite ng position paper sa komite mula Ferbruary 24, 2020.

Pinabibigyan din ng liderato ng Kamara sa NTC ng provisional authority ang iba pang korporasyon sa ilalim ng giant network tulad ng ABS-CBN Convergence, Inc., Sky Cable Corporation at Amcara Broadcasting Network, Inc.

Pinalalagyan din ng Kamara sa NTC ng mga kondisyon ang ipagkakaloob na provisional franchise sa ABS-CBN.

Facebook Comments