Tsuper na Top 10 Target List, Huli sa Buy-Bust Operation ng Pulisya

152

*Cauayan City, Isabela*- Kinasuhan na ang isang tsuper ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act matapos mahuli dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa Brgy. Sinsayon, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si John Paul Navales, 32 anyos at residente ng nasabing barangay.


Dinakip ang tsuper matapos ang isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng City Drug Enforcement Unit, Santiago City Police Office, Regional Drug Enforcement Unit, PDEA Region 2, Police Regional Office 2 at Presinto dos na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek.

Naaktuhan nagtutulak ng hinihinalang shabu ang lalaki matapos nitong mapagbentahan ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P5,000 na buy bust money.

Napag alaman pa na kabilang ang suspek sa Recalibrated Priority Database at nasa Regional Top 10 target list.

Facebook Comments