Kamara, ipinahahanda ang pamahalaan sa matinding tag-init

Pinaglalatag ni Deputy Speaker Bernadette Herrera, ang pamahalaan ng contingency plan bilang paghahanda sa matinding tag-init sa mga darating na buwan.

Bukod sa tubig ay posibleng maging problema rin ang brownouts o pagkawala ng suplay ng kuryente na dulot ng “dry spell”.

Pinaaalerto ng kongresista para sa pagbuo ng contingencies ang mga water utilities, water districts, National Water Resources Board (NWRB), Local Water Utilities Administration (LWUA) at iba pang kaukulang ahensya.


Maliban dito, hindi rin maiiwasan ang power interruptions na posibleng maging “high risk” sa darating na Mayo 2022 eleksyon.

Inihirit ng mambabatas ang pagkakaroon ng mas maraming renewable energy production, solar power farms at wind energy farms upang maiwasan ang madalas na brownouts sa gitna ng panahon ng tag-init.

Facebook Comments