Kamara, ire-review ang franchise ng PAL at CebuPac

Manila, Philippines – Nagbanta ang Kamara sa Philippine Airlines at Cebu Pacific na ire-review ang franchise ng mga nabanggit na airlines.

Babala ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, tutuluyan ng Mababang Kapulungan na i-review ang franchise ng PAL at CebuPac kapag hindi nasolusyunan ang palagi na lamang na problema tungkol sa delayed flights at mataas na singil sa airfare.

Tahasang sinabi din ni Fariñas na ipaabot ang kanyang babala sa mga corporate bosses ng mga airlines at hindi mangingiming review-hin ang franchise ng mga airlines dahil pinagsamantalahan ng mga ito ang riding public.


Maski si Fariñas na lider ng Kamara ay nakakaranas din ng problema sa tuwing bumbiyahe sa loob man o labas ng bansa.

Paalala ni Fariñas sa PAL at CebuPac na ang franchise ng mga ito bilang public utility ay hindi nila karapatan kundi isang pribilehiyo na ibinigay ng taumbayan sa pamamagitan ng mga kinatawan ng House of Representatives kaya dapat na ibigay ang nararapat na serbisyo sa publiko.
DZXL558

Facebook Comments