Kamara, isinusulong ang paglalaan ng pondo para sa free-maritime education sa bansa

Hinimok ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz ang gobyerno na paglaanan ng pondo ang free-maritime education sa mga state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa.

Ayon kay Bertiz, isa ang mga Filipino sailors na naguuwi ng malaking remittance sa bansa kada taon.

Nito lamang 2018, aabot sa $6.14 Billion ang naipadala ng mga Filipino sailors sa pamamagitan ng banking system at hindi hamak na mas mataas ito 4.6% mula sa $5.87 Billion na remittance noong 2017.


Hindi pa kasama sa bilang na ito ang remittances sa mga non-banking system at mga salaping naiuuwi ng personal ng mga Filipino sailors sa kanilang mga pamilya.

Nanawagan ang kongresista sa pamahalaan na magkaroon ng special higher education fund para mahikayat ang mga SUCs lalo na ang mga nasa probinsya na magtatag ng sariling maritime institutes o palawigin ang kanilang marine programs.
Ang mga nagtapos ng Bachelor of Science in Marine Transportation at Bachelor of Science in Marine Engineering at sa oras na magkalisensya ang mga ito ay maaaring ma-promote bilang masters, chief mates, officers-in-charge ng navigational watch, chief engineers, second engineers at officers-in-charge ng engineering watch.

Facebook Comments