Kamara, kikilos para patalsikin si CJ Sereno dahil sa pang-iimpluwensya sa mga CA Justices

Manila, Philippines – Ipinaaaral na ngayon sa Mababang Kapulungan ang posibleng paghahain ng impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Sinasabing si Sereno ay inatasan ang tatlong Court of Appeals Justices na balewalain ang inisyung show cause order ng Kamara.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ipinasisilip na kung may pakikialam na ginawa si Sereno dahil ito ay posibleng maging ground for impeachment.


Sakaling totoo ay agad silang kikilos sa Kamara para makapaghain ng impeachment case laban sa Chief Justice.

Hinihiling kasi ng Kamara na magpaliwanag ang mga CA justices kung bakit sila hindi dapat ma-cite in contempt sa pagpaparelease sa Ilocos 6 dahil sa maanomalyang pagbili ng mga sasakyan ng Ilocos Norte gamit ang local tobacco funds.

Nag-ugat ang gusot ng Kamara at CA matapos na dedmahin ng Mababang Kapulungan ang petition for habeas corpus na inihain ng Ilocos 6.

Facebook Comments