Kamara, kinatigan ang EO sa nationwide smoking ban; paghahain ng panukala dito itinulak na rin sa Kongreso

Manila, Philippines – Bagamat may mga tumututol, ikinagalak naman ng ilang mambabatas ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa executive order na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Naniniwala si Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe na magandang balita ito para sa mga health advocates pero dapat tiyakin na maipatutupad ito nang maayos lalo na sa pagtatalaga ng smoking areas.

Sang-ayon rin ang kongresista na mas magkakaroon ng ngipin ang nationwide smoking ban kung maisasabatas ito sa Kongreso upang makabuo ng mga polisiya ukol sa karapatan ng mga naninigarilyo at ang mga hindi.


Samantala, kasunod ng pagkakalagda sa EO ay umaasa naman si Muntinlupa Representative Ruffy Biazon na maipapasa na ang panukalang batas na nag-oobliga sa pagtatalaga ng graphic health warnings sa lahat ng designated smoking areas sa buong bansa.

Panahon na aniya para higpitan ang kampanya laban sa paninigarilyo na nakasisira lamang sa kalusugan ng mga Pilipino.
DZXL558

Facebook Comments