Humingi ng paglilinaw si House Committee on Information and Communications Technology Chairman Victor Yap sa Office of the President kaugnay sa mga probisyon ng SIM Card Registration Bill na na-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa veto message ng pangulo, sinasabing labag sa “freedom of speech at right to privacy” ng bawat indibiwal ang consolidated House Bill No. 5793 at Senate Bill No. 2395.
Nanindigan ang kongresista na walang nakasaad sa panukala na nagbabawal ng kalayaan sa pagpapahayag o nanghihimasok sa privacy ng isang indibidwal.
Binigyang diin nito na ang tanging layunin ng panukala ay magkaroon ng pananagutan ang mga tao sa digital at online space upang mapigilan ang mga kriminal at iligal na aktibidad sa paggamit ng hindi kilalang mga numero.
Binigyang diin ng mambabatas, ang hihiningi lang ng panukala ay irehistro ang SIM card number sa social media account ng isang tao pero hindi nito nililimitahan ang freedom of speech.