DBP building sa Makati, nasunog

85

Nasunog ang gusali na kinatatayuan ng Development Bank of the Philippines sa Makati Avenue sa lungsod ng Makati kaninang hatinggabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagmula ang sunog sa ika-walong palapag ng gusali at umabot sa unang alarma bandang alas-12:11.

Agad din itong itinaas sa ikalawang alarma dakong alas-12:32 ng umaga bago tuluyang naapula kaninang alas-2 ng madaling araw.


Wala namang nasawi sa insidente habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano ang sanhi at ang halaga ng naging pinsala ng sunog.

Facebook Comments