Manila, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Kamara sa Huwebes patungkol sa Jeepney Modernization Program ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay House Transportation Committee Chairman Cesar Sarmiento, pagpapaliwanagin ang panig ng gobyerno at ang mga transport groups na tumututol sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeepneys.
Dapat aniyang magkaharap ang dalawang panig upang magkalinawan sa programa.
Sinasabi kasing mga lumang units lamang ang papalitan pero inaalmahan ito ng ilang transport groups dahil dagdag gastos at pahirap lamang sa mga pobreng jeepney drivers.
Dagdag dito, maging ang Kamara ay nais ding maliwanagan pa sa detalye ng programa ng DOTr.
Facebook Comments