Kamara, magsasagawa ng pagdinig kaugnay sa Child Car Seat Law

Magsasagawa na ng pagdinig ang Kamara kaugnay sa isyung nakapaloob sa Child Car Seat Law.

Ayon kay Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento, sa Pebrero 10, alas-9:30 ng umaga gaganapin ang pagdinig patungkol sa Republic Act 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act.

Ang gagawing pagdinig ay salig na rin sa naging utos ni Speaker Lord Allan Velasco matapos na umalma ang publiko sa paggamit ng child car seats para sa mga edad dose anyos pababa at hindi rin umano napapanahon ito dahil dagdag gastos sa panahon ng pandemya.


Partikular na sisilipin sa imbestigasyon ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas lalo na sa probisyong nakasaad ang paggamit ng car o booster seat.

Inaasahang haharap naman sa pagdinig ang mga opisyal mula sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang kinatawan mula sa transportation sector.

Facebook Comments