Kamara, magtatatag ng bagong komite na tututok sa mga flagship program ng gobyerno

Manila, Philippines – Bubuo ng bagong komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tututok sa mga flagship programs at projects ng administrasyon.

Ang planong ito ay bunsod na rin ng pahayag ni Senator Franklin Drilon na palpak ang implementasyon ng Build Build Build Program.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, magtatatag siya ng komite na sesentro lamang sa mga flagship projects at programs ng Duterte administration na titiyak sa mabilis na implementasyon.


Itatalaga ni Cayetano si Tarlac Representative Charlie Cojuangco na head ng itatatag niyang bagong komite.

Ang magiging trabaho aniya ng naturang komite ay sisilipin ang mga proyekto na mabagal ang pag-usad at pagtiyak na matatapos ang mga ito sa itinakdang deadline.

Mababatid naman na 9 lamang sa 75 flagship projects na under construction ang halos patapos pa lamang ngayong taon.

Facebook Comments