Manila, Philippines – Nanindigan ang Party-list Coalition na nananatiling independent ang House of Representatives.
Ito ay sa kabila ng pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Taguig City Representative Alan Peter Cayetano bilang house speaker.
Ayon kay 1-Pacman Party-list Representative Michael Romero, presidente ng Party-list bloc – ang Kamara at Malacañan ay dapat bumuo ng isang good working relationship upang matiyak ang pagpasa ng mga mahahalagang legislative measures.
Pero sa panig ng progresibong Makabayan bloc, sinabi ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate – nakokompromiso ang kasarinlan ng Mababang Kapulungan dahil sa pagpili ng Pangulo ng susunod na house speaker.
Tugon naman ni Abono Party-list Representative Conrado Estrella – tumutulong lamang ang Pangulo na maresolba ang gusot sa speakership race.
Pormal na boboto ang mga mambabatas sa susunod na house speaker sa pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress sa umaga ng July 22, ang araw kung saan din ihahatid ng Pangulo ang kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA).