Manila, Philippines – Kahit bina-bagyo na, tuloy ang pasok ng mga empleyado ng Kamara ngayong araw.
Katwiran ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hiwalay na sangay ng Kamara mula sa ehekutibo.
Dahil dito, tuloy ang ginagawang plenary budegt deliberation ng Kamara kaugnay ng 2018 proposed national budget.
Ilan sa mga ahensyang sasalang sa budget deliberation ngayong araw ay ang CHR, DBM, DTI, State Colleges and Universities, ARMM at iba pa.
Tatangkain ng Kamara na maisalang na rin sa botohan para sa second reading ang panukalang pambansang pondo para sa susunos na taon kung matatapos ang deliberasyon ngayong araw.
Facebook Comments