Kamara, nagbigay ng dagdag na 10-million pesos na donasyon sa Turkey earthquake victims

Sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nagbigay ang Mababang Kapulungan ng dagdag na 10-milyong piso para sa mga biktima ng lindol sa Türkiye.

Ang nabanggit na tulong ay idinaan sa Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan ni dating Sen. Richard Gordon.

Bukod pa ito sa naunang 100,000 dollars na financial assistance na naunang ibinigay ng Kamara sa Turkey earthquake victims.


Samantala, nagpatibay naman ang Kamara ng resolusyon na nagpapaabot ng taong-pusong pakikiramay at pakiki-simpatya sa mga biktima ng malakas na lindol sa Turkey at Syria.

Sa resolusyon na pangunahing ini-akda ni Speaker Romualdez, ay nakasaad na ang Mababang Kapulungan ay nakikiisa sa pakikiramay ng buong mundo sa mga naapektuhan ng lindol sa Turkey at Syria.

Facebook Comments