Chinese Ambassador Huang Xilian, ipinatawag ni PBBM sa Malacañang

Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Chinese Ambassador Huang Xilian kahapon sa Malacañang.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Aniya, ipinarating ng Pangulong Marcos kay Chinese Ambassador Huang Xilian ang kaniyang seryosong pag-aalala sa dumadalas at lumalalang mga aksyon ng China laban sa Philippine Coast Guard (PCG) at maging sa mga mangingisdang Pilipino.


Ang pinakahuling insidente na binanggit ni Pangulo kay Xilian ay ang pagtutok ng military grade laser light ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard.

Facebook Comments