Kamara, naghahanda na sa darating na SONA ng Pangulo

Sinimulan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paghahanda para sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27, 2020.

Kasabay ng paghahanda ay sinuspinde muna sa Kamara ang pagsasagawa ng “hybrid hearings” o mga pagdinig na pinagsamang online at mismong mga nasa Batasan.

Gayunman, tuloy pa rin naman ang “zoom hearings” ngayong linggo.


Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, pansamantalang itinigil ang “hybrid hearings” para maisailalim sa disinfection ang plenary hall ng Batasan Complex.

Desidido aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na makarating sa Kamara kaya naman lahat ng paghahanda at pag-iingat laban sa banta ng COVID-19 ay ginagawa na sa Batasan.

Umaasa si Cayetano na magiging makasaysayan ang SONA ng Pangulo dahil ito ang unang pagkakataon na buong mundo ay humaharap sa iisang problema na COVID-19.

Hinimok ng Speaker ang publiko na ipagdasal na maging maganda ang sitwasyon at magkaroon sana ng pagkakataon na magkakasama ang House Speaker, Senate President at ang Pangulo dahil magiging magandang simbolo ito ng pagkakaroon ng “stability at normalcy” sa kabila ngnararansan pandemya.

Facebook Comments