Kamara, nagpaabot ng pasasalamat sa serbisyo sa bansa ni outgoing President Rodrigo Duterte

Nagpasalamat ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa serbisyong ibinigay sa bansa ni outgoing President Rodrigo Duterte.

Ginawa ng kongresista ang pahayag isang araw bago ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte kapalit ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, sa anim na taong serbisyo sa bansa ay minahal si Duterte ng mga Pilipino kaya naman nagpapasalamat ang Kamara sa outstanding at excellent na serbisyo nito para sa bayan at sa mga mamamayan.


Aniya, si Pangulong Duterte ang lumikha ng blueprint para gawing ligtas, matatag at magkakaugnay ang mga Pilipino at ang bansa.

At dahil aniya sa mga katangiang ito, isa si Pangulong Duterte sa most accomplished leaders na mayroon ang bansa.

Palagi aniyang maaalala ang Duterte administration sa matagumpay na Build-Build, Build program na naging daan sa new golden age ng infrastructure development at ang kampanya laban sa iligal na droga at krimen na naging dahilan para maging ligtas ang mga Pilipino sa daan kahit abutin ng gabi.

Nangako naman ang Kamara na katulad sa Duterte administration ay ibibigay rin nila ang buong suporta sa bagong Marcos administration.

Facebook Comments