Kamara, nakapagtala ng 70 active cases; 95% ng mga empleyado, fully-vaccinated na

Pumalo sa 70 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pero pagtitiyak dito ni House Sec. Gen. Mark Llandro Mendoza, ang mga naturang kaso ay nakuha sa labas ng Batasan Complex.

Dahil dito, patuloy ang mahigpit na patakaran ng Kamara sa mga empleyadong papasok kung saan 20% lang ng workforce sa bawat opisina ang pinapayagang pisikal na pumasok.


Nasa 95% naman na ng mga empleyado ng Mababang Kapulungan ang fully vaccinated.

Tuluy-tuloy din aniya ang drive-thru booster vaccination ng Kamara habang kasalukuyang kinakalap pa ng kanilang tanggapan ang bilang ng mga nakatanggap na ng booster dose sa labas ng Batasan tulad ng mga congressional staff na sa mga distrito na nagpabakuna.

Ngunit sa huling tala hanggang nitong nakalipas na linggo 400 na empleyado na ang nabigyan ng ikatlong dose ng COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng kanilang programa.

Facebook Comments