Ilang mga pasahero, nananatili sa labas ng Manila Northport Passenger Terminal

701
Photo Courtesy: Radyoman Emman Mortega

Nananatili sa labas ng Manila Northport Passenger Terminal ang ilang mga pasahero na patungo sana ng Mindanao.

Karamihan sa mga nasabing pasahero na halos ilang araw ng nandirito sa labas ng terminal ay patungong Zamboanga.

May ilan din dito ang nais na bumiyahe patungong Dumaguete pero hindi sila pinayagan sumakay.


Nabatid kasi na halos karamihan sa mga pasahero ay walang maipakita ng resulta ng RT-PCR test at vaccination card.

Iba sa kanila ay nakaka-first dose pa lamang pero hindi rin pinayagan dahil sa umiiral na “No Vaccination, No Travel” policy.

Ilan naman sa mga pasahero ay may bitbit na alagang hayop kaya’t hindi rin pinayagan makasakay.



Bagama’t may mga barkong ba-biyahe, ilan lang sa kanila ang makakasakay dahil kumpelto ang hinihinging dokumento.

Facebook Comments