Kamara, nakiusap sa mga bisita na huwag maging magarbo sa mga kasuotan

Manila, Philippines – Hindi pinapayuhan ng Mababang Kapulungan ang mga bisita na magsuot ng bonggang kasuotan sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Ayon kay House Sec. Gen. Cesar Pareja, bagamat hindi ganap na ipinagbabawal ang mga magarbong kasuotan sa SONA ay muli nilang ipinapaalala na simple lamang ang okasyon na nais ng Pangulo.

Sinabi ni Pareja na sakaling may magsuot ng magarbo ay hindi naman ito sisitahin yun lamang ay magiging kakaiba ito sa lahat dahil lahat ay simple.


Mahigpit ang bilin ng kamara sa mga sasaksi sa SONA sa batasan na magsuot lamang ng nararapat gaya ng barong at filipiniana dress o kaya ay business attire.
Ang taun-taon na simpleng pagdaraos ng SONA ng Presidente ay taliwas sa nakagawiang pabonggahan ng mga kasuotan at mas hinihikayat ang lahat na sumentro sa lalamanin ng magiging ulat ng Pangulo para sa Bayan.

Facebook Comments