Hinimok ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga miyembro ng Kamara at ang publiko na suportahan ang mga panukalang isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Partikular dito ang mga programa at roadmap tungo sa pagbangon at pag-unlad muli ng bansa na inilatag kahapon sa inagurasyon ng pangulo.
Ayon kay Romualdez, mayroong malinaw na pananaw sa kanyang misyon ang pangulo tulad ng kung anong gusto nitong makamit para sa bansa at mga bagay na dapat matapos agad.
Ang Kamara aniya ay maghihintay sa mga ipiprisintang legislative proposals ni Marcos.
Umapela naman si dating Speaker at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga kapwa mambabatas at sa mamamayan na isantabi ang mga pagkakaiba upang makasulong at maisakatuparan ang mga inaasahan sa kanilang mga public servants.