Kamara, patuloy na magsasagawa ng committee hearings kahit naka-Holyweek break

Patuloy na makapagsasagawa ng mga pagdinig ang ilang komite sa mababang Kapulungan kahit naka-break ang sesyon ng Kongreso mula March 23 hanggang May 7.

Pinahintulutan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagdaraos ng committee hearings kahit naka-Holyweek break sila para mapabilis ang pagpapatibay sa mga nakabinbin pang mahalagang mga panukalang batas.

Unang inihayag ni Romualdez na umabot na sa 23 ang naipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa mula sa 31 na mga panukalang batas na prayoridad sa LEDAC o Legislative-Executive Advisory Council.


Sabi ni Romualdez, ang naturang bills ay nai-transmit na sa Senado.

Diin ni Romualdez, patunay ito ng commitment ng Kamara na mapagtibay ang mahahalagang mga panukalang batas na makatutulong sa 8-point socio economic agenda ng administrasyon.

Facebook Comments