Dating associate justice ng CA, itinalagang CHR Commissioner

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang Commission on Human Rights (CHR) Commissioner ngayong araw si dating associate justice ng Court of Appeals Atty. Monina Arevalo-Zenarosa.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, itinalaga si Atty. Zenarosa ng pangulo sa posisyon dahil sa malawak na karanasan sa larangan ng batas at pangangalaga sa karapatang pantao.

Magiging responsable raw si CHR Commissioner Zenarosa sa pagpapatupad ng mga karapatan ng lahat ng Pilipino dahil sa work experience nito.


Si Zenarosa ay nanumpa kanina kay Executive Secretary Lucas Bersamin para sa bagong posisyon.

Facebook Comments