Kamara, pinababawi ang naunang resolusyon para sa pagdaraos ng special elections sa Ikatlong Distrito ng Negros Oriental

Inaprubahan ng Kamara ang isang resolusyon na nagsusulong na bawiin ang naunang pinagtibay na resolusyon para sa pagpapatawag ng “special elections” sa Ikatlong Distrito ng Negros Oriental.

Sa House Resolution 1431 na iniakda ni Negros Oriental 2nd District Rep. Manuel Sagarbarria, hinihikayat dito ang hinimok ang Commission on Elections (Comelec) na irekonsidera ang resolusyon kaugnay sa special elections sa nabakanteng posisyon ng nasibak na Rep. Arnolfo Teves Jr.

Nakasaad sa resolusyon na batay sa reports mula sa Comelec Region 7 ay maraming nakabinbin na disqualification cases laban sa mga nanalo sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Dagdag pa rito ay patuloy rin umanong kinukwestyon ni Teves ang “expulsion” sa kanya ng Kamara sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon sa Korte Suprema.

Punto ni Sagarbarria, ang pagdaraos ng special elections sa Negros Oriental 3rd District sa ngayon ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa “peace and order” sa distrito pati sa kalapit na lugar sa probinsya.

Facebook Comments