Puganteng Chinese at Korean, arestado ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon ang isang Chinese at Korean nationals.

Unang naaresto ang Chinese national na si Guo Shangming, 45, at may kasong fraud sa Tsina.

Habang ang South Korean national na si Hyeong Jinwoo, 38, ay inaresto dahil sa pagiging undesirable alien.


Nabatid na si Hyeong ay may mga kinakaharap na arrest warrants sa Suwon District Court dahil sa kasong Fraud at pagiging kasapi ng Criminal groups.

Kinansela na ang passport ng dalawang dayuhang pugante ng kanilang mga gobyerno at ideneklara na rin silang undesirable aliens ng Philippine Immigration.

Facebook Comments