Kamara, pinakikilos ang Customs laban sa pagpasok ng “smuggled poultry” sa bansa

Kinalampag ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang Bureau of Customs (BOC) na paigtingin pa ang hakbang laban sa pagpasok ng mga smuggled na poultry product sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagkakadiskubre ng bagong H5N1 strain ng avian flu sa mga duck at quail farms sa Bulacan at Pampanga.

Apela ng kongresista sa Customs na palakasin at higpitan ang measures para labanan ang avian flu sa bansa sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi makakalusot ang mga ipinuslit na poultry product.


Batid kasi ng economist lawmaker ang bigat ng banta ng sakit at posibleng impact o epekto nito sa pagbangon ng ekonomiya lalo na kung ito ay babalewalain lamang.

Plano rin ng mambabatas na lumiham sa Philippine Ports Authority (PPA) at sa Department of Transportation (DOTr) para makipagtulungan sa BOC sa pagbuo ng guidelines na magpapalakas sa mga alituntunin para maiwasan ang paglubha ng avian flu.

Nag-alok din ng tulong si Salceda para sa endorsement na kakailanganin ng kagawaran, ito man ay mula sa presidente, chairman ng Economic Development Cluster at liderato ng Kamara upang matulungan na mapondohan ang mga kinakailangan para mapigilan ang posibleng outbreak ng sakit.

Facebook Comments