Kamara, pinare-review sa DepEd ang isang module na kinakitaan ng maraming errors

Ipinare-review ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro sa Department of Education o DepEd ang Quarter 1 Module 2.2 “Introduction to Philosophy of the Human Person”.

Giit ni Castro, ilan sa mga topic ng nasabing module ay kinakitaan ng maraming grammatical at typographical errors.

Bukod dito, naglalaman din ang module ng mga paksa na may pamumulitika at social bias pagdating sa mga mahihirap.


Paalala ng kongresista sa DepEd na maging sensitibo sa mga usapin ng “life-and-death situation” ng mayorya ng mga Pilipino lalo na sa mahabang panahon na nakulong ang bansa sa pandemya, marami ang nagutom at nawalan ng trabaho.

Hindi rin aniya tamang nagagamit ang mga ganitong sitwasyon sa pilosopiya lalo kung ang natutunan naman ng mga estudyante ay kawalan ng empathy o kakayahang umunawa sa kalagayan ng mga mamamayan.

Umaasa naman ang kongresista na agad tutugunan ng DepEd ang nasabing problema.

Facebook Comments