Naisamang spoiled ballots sa overseas voting sa Singapore, posibleng “human-error” lamang ayon COMELEC

222

Posibleng “human-error” lamang ang nangyari sa pagkakasama ng spoiled ballots sa Overseas Absentee Voting (OAV) sa Singapore.

Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na mismong sa National Printing Office (NPO) pa lamang ay lumalabas na ang mga depektibong balota bagama’t nasasala naman ito.

Nilinaw rin ng Philippine Embassy na isolated case lamang ang nasabing insidente at naitala ito sa minutes of voting for automated election systems.


Ayon pa kay Commissioner Garcia tiniyak ng Philippine Embassy sa Singapore na nai-record nila sa harap mismo ng botante na ang naibigay sa kaniya ay spoiled ballots.

Facebook Comments