Manila, Philippines – Pinatitiyak ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo sa Philippine Statistics Authority (PSA), National Privacy Commission (NPC) at sa iba pang concerned government agencies na walang mangyayaring data loss sakaling ipatupad ang National Identification (ID) system.
Nababahala si Castelo na mangyari din ang data leakage sa National ID katulad sa passport data leakage ng DFA kung saan libu-libong personal information ang natangay sa mga Pilipino.
Nakatakdang i-test ang National ID system sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) Act ngayong Enero at ipapatupad naman ito sa September 2019.
Pinagagarantiya ni Castelo sa PSA at sa NPC na hindi mangyayari ang data leakage sa National ID system.
Sa ilalim ng National Identification System, itinatakda ang lahat ng mga Pilipinong nasa tamang gulang na kumuha ng “Filipino ID card” na naglalaman ng lahat ng impormasyon tulad ng pangalan, birth date, blood type, height, weight at permanent address.