Kamara, puspusan na ang paghahanda sa nalalapit na SONA ni Pangulong Duterte

Puspusan na ang Mababang Kapulungan sa paghahanda sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Sa pahayag ng Office of the Speaker, sinabing tinitiyak ng Kamara na matatapos ang mga pagkukumpuni, pagpipintura at paglilinis dalawang Linggo bago ang SONA.

Sa Huwebes ay nakatakdang magsagawa ng walk-thru ang Task Force SONA 2019 o practice ng paglalakad mula sa panggagalingan ng Pangulo papunta sa session hall.


I-di-direct muli ng batikang direktor na si Bb. Joyce Bernal ang SONA ngayong taon.

Una rito, dalawang coordination meetings na sa mga kagawad ng media ang isinagawa sa pangunguna ng Committee on Media kung saan tinalakay ang guidelines sa coverage.

Bago ang talumpati ni Pang. Duterte sa hapon ng July 22, magbubukas muna ang First Regular Session ng 18th Congress kung saan ihahalal ng mga miyembro ang bagong House Speaker.

Facebook Comments