Mga pagbaha sa Metro Manila mareresolba na kapag matutukan ang flood control ayon sa MMDA

42

Naniniwala ang Metro Manila Development Authority na matutuldukan na ang problema ng mga pagbaha kung matutukan lamang ang problema sa flood control sa Kalakhang Maynila.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Maynila sinabi ni MMDA  Head Flood Control and Sewerage Management  Engr.  Baltazar Melgar  ang flood control ang dating nasa DPWH noong 2002 pero  inilipat ang function sa MMDA upang matutukan na ng husto ang mga nangyayaring pagbaha sa Metro Manila.


Ayon kay Engr. Baltazar 62 pumping station na ang  nag oopearte sa Metro Manila upang  mapabilis na humuhupa ang mga pagbaha kapag nagamit ang mga pumping station sa Metro Manila.

Paliwanag ni Baltazar na ang nagpabaha sa Espana ay galing sa QC kung saan ginagawan ng paraan ng MMDA  upang tuluyang mawala na ang mga pagbaha sa Espana Sampalok Manila.

Dagdag  pa ni Baltazar na mahalaga na matutukan ng husto ng gobyerno ang 273 open water ways gaya ng mga estero na ginagawaan ng paraan upang malinis ang mga estero sa Lungsod ng Maynila.

Giit ni Baltazar malaking papel din ang gagampanan ng publiko upang mawala na ang mga pagbaha na dapat maging disiplinado sa pagtatapon ng mga basura upang hindi bumara sa mga estero sa Metro Manila.

Facebook Comments

From Advertisers