Suportado ni Parañaque Rep. Joy Tambunting ang plano ng Inter-Agency Task Force (IATF) na paikliin ang mandatory quarantine period para sa mga indibidwal na “fully vaccinated” na papasok sa bansa.
Mula sa 14 na araw na mandatory quarantine period ay ginawa na lamang itong 7 araw.
Ang pagbabawas sa mandatory quarantine period ay itinulak para na rin sa benepisyo ng mga vaccinated returning Overseas Filipino Workers (OFWs) na noong una ay nag-a-alangang umuwi sa Pilipinas dahil sa mahabang quarantine period na kailangang ilaan bago sila pauwiin sa mga pamilya.
Naniniwala si Tambunting na ang proposal ay isang “healthy balance” dahil binabawasan nito ang pasan ng mga OFW na uuwi ng bansa habang epektibo pa ring nasusunod ang mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ngunit paalala naman kongresista ang ibayong pag-iingat dahil malaki pa rin ang tsansa na ang mga bakunadong indibidwal ay carrier ng virus o may impeksyon at maaari pa rin itong makahawa sa iba.