Ruffa Gutierrez, nagbigay-pugay sa lahat ng single moms

26

Binigyang-pugay ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang lahat ng mga single mom sa bansa kasabay ng pagkamit ng major milestone ng kaniyang anak na si Lorin.

Sa Instagram post ni Ruffa, ibinahagi nito ang mga larawan kasama si Lorin na kaka-graduate lamang sa high school.


Proud namang inilagay na caption ni Ruffa ang lahat ng pagsubok na kaniyang nalampasan para maitaguyod ang kaniyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Pinayuhan naman ng aktres ang lahat ng single moms na manatiling matatag para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Si Ruffa ay hiwalay sa dating Turkish businessman husband nito na si Yilmaz Bektas noon pang 2007.

Facebook Comments