Kamara, tiniyak ang pagpapanagot sa mga responsable sa problema sa SEA Games

Sinisiguro ng House Committee on Youth and Sports Development na mapapanagot ang mga mapapatunayang nasa likod ng aberya na mga naitala sa 30th SEA Games.

 

Ayon kay House Committee on Youth and Sports Development Vice Chairman Jericho Nograles, kung kailangan may imbestigahan sa SEA Games ay nakahanda naman ang Kamara na kumilos dito.

 

Tiniyak ni Nograles na magiging accountable rin kung may mapapatunayang iligal na paggamit ng pondo ng SEA Games.


 

Naikumpara pa ng mambabatas na ang mga naunang hosting ng bansa sa SEA Games noong 1991 at 2005 ay nakaranas din ng mga problema pero mas napapansin lamang ngayon ang mga aberya dahil sa social media.

 

Katwiran pa ni Nograles, hindi nila dina-downplay ang problema dahil mainam naman din na lumalabas sa social media ang mga isyu sa SEA Games upang may basehan sila sakaling may gawing imbestigasyon.

 

Dagdag pa ng kongresista, hindi naman nagpapabaya ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na ayusin ang mga aberya sa SEA Games.

Facebook Comments