Matandang mag-asawang nakatira sa tent, kinalimutan na umano ng mga anak

Screenshot captured from Archie Hilario's video on Youtube.

Halos madurog ang puso ng netizens sa kalagayan ng isang matandang mag-asawa sa Brgy. Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.

Bukod sa mahinang pangangatawan, kasalukuyang nakatira sa tent ang dalawa at hindi na dinadalaw pa ng ibang anak.

Sa kuhang video ni Archie Hilario, radio disk jockey sa local radio station doon, gawa sa pinagtagpi-tagping materyales ang munting bahay nila at walang tulugang maayos.


Ayon sa mag-asawa, sinusuportahan sila ng isang supling na namamasukang factory worker sa nasabing lugar. Pero hindi sapat ang kinikita nito para tustusan ang pangangailangan ng magulang.

May sariling pamilya na rin ang anak na tumutulong.

Kuwento pa ng matandang babae, hindi na nagpaparamdam ang mga supling na naka-base sa Maynila. Kaya hiling niya sa mga ito, sulatan man lang sila.

Paglilinaw ng dalawa, wala silang tinatanim na sama ng loob sa mga nasabing anak.

Nakatakdang mamahagi ng tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan sa matandang mag-asawa.

Nagpaabot na rin ng tulong ang ilang netizens at planong hanapin ang supling na hinahanap nina lolo at lola.

Panoorin ang kabuuang istorya dito:

 

Facebook Comments