Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang patuloy na suporta ng Mababang Kapulungan sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP.
Tiwala si Romualdez na daan ang modernisasyon para mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan makamit ang katatagan at lubos na kapayapaan sa buong bansa.
Pahayag ito ni Romualdez sa kanyang pagdalo sa House of Representatives – AFP fellowship series, Visayas leg sa Cebu City na nilahukan ng matataas na opisyal ng militar sa pangunguna ni chief of staff General Andres Centino at iba pang miyembro ng Kamara.
Diin ni Romualdez, mahalaga ang AFP modernization para mabigyang proteksyon ang soberanya at seguridad ng ating bansa at sa pagharap sa iba’t ibang hamon.
Masaya namang ibinalita ni Romualdez na marami ng mga panukalang batas ang ipinasa ng Kamara para sa kapakanan ng kasapi ng AFP.
Pangunahing binanggit ni Romualdez ang panukala kaugnay sa fixed terms ng mga matataas na opisyal ng AFP gayundin ang gayundin ang pagtaas sa 57 years old ng retirement age ng AFP personnel.